BOOKER
Devin Booker/ IG post

Papalitan ni Phoenix Suns guard Devin Booker si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard para sa NBA All-Star weekends.

Ito ay dahil nagtamo ng right groin injury si Lillard sa pagkatalo ng Porltand sa Memphis Grizzles.

Dahil sa injury ay hindi na ito makakapaglaro sa NBA All-Star game o maging sa 3-point Contest.

Mismong si NBA commissioner Adam Silver ang pumili kay Booker na siyang magiging unang all-star appearance ng 23-anyos na Suns player sa ilalim naman ng team captain na si LeBron James.