CENTRAL MINDANAO-Nakatutok ang Lokal na pamahalaan ng bayan ng Datu Montawal Maguindanao lalo na sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs),Returning Overseas Filipino (ROFs) at mga residente na may sintomas ng Coronavirus Disease (Covid-19).
Bago lang ay binuksan ang Ligtas Covid Center sa bayan ng Datu Montawal.
Lahat ng mga LSIs at ROFs ay diritso sa Ligtas Covid Center para sa 14 days quarantine habang hinihintay nila ang resulta sa kanilang swab test o kaya RT-PCR Test.
Sinabi ni Datu Montawal Mayor Datu Otho Montawal na siniguro nila ang kaligtasan ng mamamayan ng bayan kaya itinayo ang Ligtas Covid Center na malayo sa kabahayan, malamig ang kapaligiran at kompleto ng mga kagamitan.
Dagdag ng Alkalde na mahigpit nilang pinatutupad ang mga umiiral na alituntunin ng Health Protocols kontra Covid 19, kagaya ng paggamit ng facemask, faceshield at iba pa.
Sang-ayon din si Mayor Montawal,Vice-Mayor Datu Vicman Montawal, mga SB members, mga kawani ng LGU,mga Barangay Kapitan, mga Barangay Kagawad at lahat ng mga residente sa mandatory na paggamit ng faceshield at facemask alinsunod sa direktiba ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.
Tiniyak ni Mayor Montawal na may penalty o parusa sa mga lumalabag sa kautusan ng Provincial IATF at ng Gobernadora.
Sa kabila ng krisis sa Covid 19 ay nagpapatuloy parin ang pinaigting na kampanya ng LGU-Datu Montawal kontra pinagbabawal na droga, terorismo, illegal gambling at ibat-ibang kriminalidad.