-- Advertisements --
Hahayaan na lamang ng Malacañang ang Senado na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa nagaganap na korapsyon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na trabaho ng mga mambabatas ang magsagawa ng imbestigasyon kaya puwede nilang gawin ang gusto nila.
Ayon naman kay Presidential Anti-Crime and Corruption Commission member Greco Belgica, na magsasagawa sila ng lifestyle check sa mga opisyal ng PCSO kabilang na ang dating general manager na si Alexander Balutan ganon din ang kasalukuyang chairman na si Anselmo Pinili.
Nilinaw din ni Panelo na hindi na kailangang pang magsumite ng courtesy resignation ang mga opisyal ng PCSO hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.