-- Advertisements --

Lumalabas sa isinagawang pag-aaral ng US-based Institute for Health Metrics and Evaluation (IHME) na bumaba ng 1.6% ang average life expectancy ng mga tao sa buong mundo sa unang 2 taon ng COVID-19 pandemic.

Ito ay makalipas ang ilang dekadang pagtaas ng pandaigdigang life expectancy.

Sa naturang pag-aaral, mas malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa mga adult sa buong mundo kumpara sa anumang event na naganap sa kalahating siglo kabilang na ang mga sigalot at kamalidad.

Noong 2020-2021, bumaba ang life expectancy sa 84% ng 204 na mga bansa at teritoryo.

Ang death rate sa tao na mahigit 15 anyos ay tumaas sa 22% para sa kalalakihan at 17% naman sa kababaihan sa nabanggit na period.

Ang Mexico city, Peru at Bolivia ang ilan sa mga lugar na malaki ang ibinaba sa life expectancy.

Sa kabila naman ng setback sa kasagsagan ng pandemiya, mas matagal pa rin ang buhay ng mga tao kaysa dati.