-- Advertisements --

Napatay ng mga otoridad ng Sri Lanka ang itinuturong lider ng naganap na pambobomba noong Easter Sunday.

Sinabi ni Sri Lankan President Maithripala Sirisena, kasama si Zahran Hashim isang radical preacher sa mga napatay ng mga otoridad sa naganap na engkuwentro.

Isa si Hashim na ni-raid ng mga otoridad sa Shagri-La hotel sa Colombo.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagtugis ng mga otoridad sa posibleng kasamahan ng suspek.

Magugunitang aabot sa 25 katao ang patay matapos ang naganap na serye ng pagsabog.