-- Advertisements --

Nagpulong ang mga senior official ng Hamas at Houthi rebels para pag-usapan ang kanilang aksiyon laban sa Israel, ayon ‘yan sa ulat ng Palestinian factional sources. 

Matatandaan na maka-ilang beses ng inatake ng rebeldeng Houthi ang mga dumadaan sa Red Sea na may kinalaman sa Israel para umano ipakita ang kanilang pakikiisa sa Palestinians sa Gaza. 

Pinag-usapan daw sa pulong ang “mechanisms to coordinate their actions of resistance” para sa mga susunod na giyera sa Gaza kabilang na ang plano ng Israel na atakihin din ang Rafah kung saan lumikas ang libo-libong mga residente Gaza.

Matatandaan na inaprubahan na ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang military operation ng bansa sa Rafah. 

Kinumpirma naman ng Houthi na tuloy-tuloy pa rin ang pag-atake nila sa Red Sea upang ipakita umano ang kanilang suporta sa Palestine.