Iniimbestigahan na ngayon ng Batangas PNP ang motibo sa pagpatay sa lider ng farmer’s group kagabi sa Calatagan.

Tinutukoy na rin ng pulisya ang identities ng dalawang suspek na siyang bumaril sa biktima.

Nagsasagawa na rin ng manhunt operations laban sa dalawang suspek.

Kung maalala, binaril patay sa loob mismo ng kaniyang tahanan ang biktima na nakilalang si Engracio delos Reyes, 61-anyos, vice president ng Samahan ng Maliliiit na Mangingisda at Magsasaka sa Calatagan (SMMMC).

Batay sa inisyal na imbestigasyon habang nag-uusap ang biktima at ang asawa nito sa kanilang kusina bigla na lamag pumasok ang dalawang armadong kalalakihan at binaril sa likod si Delos Reyes.