-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nadagdagan pa ang mga nasawi sa mga terorista matapos ang ginawang preemptive military operation ng Joint Task Force Central at 6th Infantry (Kampilan) Division sa Sitio Patawali, Barangay Ganta, Datu Salibo, Maguindanao kung saan sugatan umano ang lider na si Abu Turaife.

Ayon kay B/Gen. Eduardo Gubat, acting division commander ng 6ID at JTF Central, kinilala nito ang nasawi na isang Abdul Patir, myembro ng BIFF-Karialan faction base sa mga impormasyong nakalap mula sa mga residente sa lugar.

Una nang nasawi sa operasyon si Sadam Salandang na tauhan ni Kumander Robot ng BIFF.

May tinatayang 17 sugatan na mga miyembro nito kasama ang lider na si Abu Turaife na namataang dala-dala ng kanilang mga patakas na kasamahan.

Narekober naman ng militar ang mga matataas na uri ng armas, mga pampasabog, mga bala, magasin at mga kagamitan sa paggawa ng improvised explosive device.

May panawagan naman ang pamunuan ng 6ID at JTFC sa mga natitirang myembro ng teroristang grupo na iwaksi na nila ang kanilang koneksyon at magbalik-loob na sa pamahalaan alang-

Nilinaw ni Col. Oriel Pangcog, 601st Infantry (Unifier) Brigade commander, nagpapatuloy ang ginagawang monitoring ng tropa ng gobyerno sa lugar para hindi na muling maghasik ng gulo ang teroristang BIFF.