-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tuluyan ng inihatid sa kaniyang huling hantungan si Libungan North Cotabato Mayor Christopher ‘Amping’ Cuan.

Tulad ng inaasahan, dumagsa ang mga taga-suporta ng alkalde sa paghatid sa kaniyang libingan.

Dala-dala ng mga ito ang mga plakard at tarpaulin na nananawagan ng hustisya sa karumaldumal na pagpatay sa alkalde pati na sa driver nito na si Edwin Ihao.

Bumuhos naman ang luha ng mga dumalo lalo na ng mga malalapit na kaibigan at pamilya ni Mayor Amping.

Halos lahat ng mga lokal na opisyal sa probinsya ng Cotabato ay pumunta sa libing ni Mayor Amping at nagpaabot ng kanilang pagkondena sa sinapit ng alkalde kasama ang kanyang driver at nakiramay.

Naulila ni Mayor Cuan ang kaniyang asawa na si Engr. Angel Rose ‘Apol’ Cuan at dalawa nitong anak na pawang mga babae na may edad 6-taong gulang at walong buwang gulang na sanggol.

Matatandaan na noong nakalipas na linggo ay bumisita si Mayor Cuan sa itinayong New Libungan Gallera ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang mga matataas na uri ng armas.

Patay on the spot si Mayor Cuan at ang kanyang driver na si Tawik nang magtamo sila ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ngayon ay patuloy na nangangalap ng mga testigo at ebedensya ang Special Investigation Task Group Cuan aron matukoy ang mga suspek at motibo sa pagpatay sa Alkalde kasama ang kanyang driver.