-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Aktibo ang maraming Pilipino sa Israel sa kanilang pagboto sa pagsisimula overseas absentee voting .

Ayon kay Bombo International News Correspondent Mina Fabros Marquez, OFW sa Israel, sa kasalukuyan ay nasa mahigit 3,000 OFW na ang nakaboto sa embahada ng Pilipinas.

Pila-pila ang mga Pinoy na bumoboto sa Tel Aviv kung saan madalas dumadagsa ang mga botante tuwing biyernes ng hapon hanggang araw ng Sabado.

May kanya-kanyang paraan ang bawat Filipino Organizations na nag bibigay ng shuttle service para sa mga botante na magtutungo ng Tel Aviv pabalik.

Aktibo rin ang presidente ng OFW sa Beersheba upang hikayating bumoto ang mga OFW na kasalukuyang naka day-off gayundin na mabigyan sila ng free shuttle service.