-- Advertisements --

Nagbabala si Vice President Sara Duterte sa publiko laban sa umano’y “troll farms” at online operations na ginagamit para siraan ang kanyang imahe sa gitna ng paghahanda para sa 2028 national elections.

Ayon sa kanya, maaaring ma-manipulate ang impormasyon online kaya mahalagang maging mapanuri ang mga Pilipino sa mga nakikita.

Giit ni Duterte, may mga “negosyo” umano na umiikot sa paglikha ng pekeng online sentiment para magmukhang popular o hindi popular ang isang isyu o personalidad, depende sa interes.

Inihalintulad din niya ito sa tinatawag na political strategy na “pagtitimpi o pag-itim” sa kalaban upang lumitaw na mas maganda ang imahe ng ibang kandidato, bagay na binanggit din niya na minsang sinabi ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila nito, nananatiling isa si Duterte sa itinuturing na posibleng presidential contender sa 2028 matapos niyang ideklara ang intensyon na tumakbo sa susunod na halalan. (report by Bombo Jai)