-- Advertisements --
bagyong hanna

Libu-libong tao pa rin ang nananatili sa mga governent shelter sa kabila ng paglabas ng Bagyong Hanna mula sa Philippine area of ​​responsibility.

Ayon sa NDRRMC, hindi pa nakakabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang ibang pamilya dahil sa napinsala nilang mga tahanan.

Una nang kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesman Director Edgar Posadas ang 2 nasawi gayundin ang isa ang nawawala kasunod ng pananalasa ng Bagyong Goring at Hanna gayundin ang habagat.

Bumaba mula sa 400 naging 52 ang mga inookupahang shelter ng gobyerno na tinitirhan ng 3251 indibidwal o 915 pamilyang naapektuhan ng sama ng panahon.

Sinabi ni Posadas na inaasahan niyang mas maraming tao ang uuwi sa kanilang mga tahanan habang bumubuti ang panahon.

Aniya, ang mga bagyo ay nag-iwan ng 1,349 na mga nasirang bahay kabilang ang 226 na fully damaged.

Una na rito, ang tinatayang pinsala sa imprastraktura ay nasa P130 milyon habang ang pinsala sa agrikultura ay nasa P421 milyon sa ngayon.