-- Advertisements --

Kaagad ginawang epektibo ngayong araw ang libreng text at tawag ng isang Telecommunications company (Telco) para sa kanilang mga subcriber sa Marawi City.

Ang libreng mobile services ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Globe at Department of Information and Communication Technology (DICT) para maisakatuparan ang kanilang libreng serbisyo sa Marawi City.

Ang libreng tawag at text sa lahat ng networks at free calls sa Globe at TM ay simula ngayong June 22 na magtatagal ng 15 araw.

Nais ng Globe na makatulong sila sa mga sundalong matagal nang nakikipagsagupa sa Maute Group sa Marawi city upang mabilis silang makipa-communicate sa kanilang mga pamilya.

Sinabi ni DICT Sec. Rodolfo Salalima na napapanahon ang benepisyong ito sa mga taga-Marawi lalo na sa mga sundalo roon upang madali ang komunikasyon sa lugar.

Sa parte naman ng mga sundalo, sinabi ni M/Gen. Jose Tanjuan Jr., ang Armed Forces of the Philippines deputy chief of staff for communications, electronics and information systems, na nakaka-high morale ang pribiliheyong ito sa kanilang hanay.

Malaki rin aniya ang maitutulong nito sa mga sibilyang nananatili pa rin sa Marawi City na may problema sa komunikasyon para makita o makasama ang kanilang pamilya.