-- Advertisements --

Tuloy na tuloy na raw ang operasyon ngayong 2023 ng libreng sakay na programa ng pamahalaan kabilang naang EDSA Bus Carousel system.

Ayon kay Budget Secretary Amenah F. Pangandaman, kasunod na rin ito ng pag-apruba nila sa P1.285 billion na pondong ilalaan para sa Service Contracting program na nasa ilalim ng Department of Transportation (DoTr) 2023 budget.

Sinabi ni Pangandaman na ang paglalalaan ng pondo ng Department of Budget and Management para sa libreng sakay ay bilang pagsunod na rin sa Republic Act No. 11936 o ang Fiscal Year (FY) 2023 General Appropriations Act pa pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr.

Kung maalala, nagtapos ang Libreng Sakay program sa EDSA Busway system noong Enero 1 ngayong taon.

Ang Libreng Sakay ay joint program ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para matulungan ang mga commuters dahil na rin sa tunmataas na presyo ng mga bilihin.

Una na ring sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na posibleng babalik ang free rides sa EDSA Busway system sa una o ikalawang quarter ng taon.

Sinabi rin noon ni Transportation Secretary Jaime Bautista na pinag-aaralan nila ang posibilidad na ibalik ang libreng sakay o isapribado na ang bus carousel operation.

Base sa data, ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sinabi ng Department of Budget and Management na noong December 27, 2022 nasa kabuuang bilang na 164,966,373 ang mga pasaherong nakinabang sa Libreng Sakay program sa EDSA noong nakaraang taon.