-- Advertisements --

Inoobliga ang mga residente ng San Jose del Monte City sa Bulacan na sumailalim muna sa libreng antigen swab test na alok ng pamahalaang lokal bago tumuloy sa COVID-19 vaccination.

Sinabi ni Mayor Arthur Robes ng San Jose del Monte City mahalagang matiyak na walang COVID-19 ang mga residenteng tatanggap ng bakuna.

Libre ang naturang swab test bilang bahagi na rin aniya ng mass testing na kanilang ginagawa sa kanilang lungsod.

Ayon kay Dr. Roselle Tolentino, City Health Officer ng lungsod, lahat ay ng mga boluntaryong magpapabakuna ay nais na mag-avail ng libreng antigen swab test.

Kaagad naman aniyang sasailalim sa RT-PCR test ang mga magpopositibo sa antigen test at dadalhin sa isolation facility habang hinihintay ang resulta.

Sa kasalukuyan, karamihan na sa mga health workers sa lungsod ay nabigyan na ng unang dose ng bakuna at nagsimula na rin ang pagbibigay ng second dose sa kanila.

Ang lungosd ay naglaan ng P100 million para sa pambili ng bakuna kontra COVID-19, at target nilang mabakunahan ang 75 percent ng kanilang populasyon hanggang sa matapos ang 2021.