-- Advertisements --

Tone-toneladang health supplies ang pinadala ng World Health Organization (WHO) sa Beirut, Lebanon upang tumulong sa paggamot ng daan-daang sugatan matapos ang malakas na pagsabog sa syudad noong Agosto 4.

Ang mga supplies na ito ay magagamit sa 1000 trauma interventions at 1000 surgical interventions para sa mga indibidwal na nagtamo ng sugat o di-kaya’y nalapnos ang balat dahil sa pagsabog.

Nagpaabot na rin ang international body ng pakikiisa sa dalamhating nararamdaman ng karamihan dahil sa trahedya. Sinigurado naman ni WHO Representative in Lebanon Dr. Iman Shankiti na ipagpapatuloy ng WHO ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan ng Lebanon.

Nakikipagtulungan na rin umano ito sa mga national health authorities, health partners at mga ospital kung saan naka-admit ang mga biktima para malaman ang kanilang pangangailangan.

Bilang resulta sa kahindik-hindik na trahedyang naganap sa kabisera ng Lebanon ay tatlong ospital ang hindi na magamit habang dalawa naman ang bahagyang nasira. Dahil dito ay nilipat na lamang sa mga ospital sa south Saida at north Tripoli ang mga sugatang biktima.

“With the emergence of new challenges due to the latest devastating event, the United Nations in Lebanon and partners have been mobilized to provide immediate humanitarian assistance to the Lebanese people in support of the Government’s response to this tragedy. We are in this together, and we are committed to supporting Lebanon in this very difficult time,” wika ni Dr. Najat Rochdi, UN Resident Coordinator sa Lebanon.