-- Advertisements --
PORTS

Iniulat ng Philippine Coast Guard na nananatiling stranded ang mahigit sa 6,600 na pasahero at mga tsuper sa ilang mga pantalan sa sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Southern tagalog Region.

Batay sa datus ng PCG, kabuuang 6,625 na pasahero at mga tsuper ang simula kahapon ay hindi anakabiyahe.

Hindi na rin nakapaglayag ang nasa 49 na mga sasakyang pandagat, 20 motorbanca, at 1,327 rolling cargoes sa mga nasabing lugar.

Maliban dito, nasa 47 na sasakyang pandagat naman ang piniling manatili na muna sa mg ligtas na bahagi ng mga puwerto.

Ayon sa PCG, patuloy ang ginagawang monitoring sa mga pwerto at pantalan sa buong bansa.