Napapakinabangan na umano ng libo-libong lugar sa buong bansa ang Broadband ng Masa program at Free Wi-Fi for All project ng pamahalaan.
Batay sa datus ng Department of Information and Communications Technology (DICT), umaabot na sa 9,547 na lugar ang nakikinabang at gumagamit sa libreng internet service.
Ang naturang programa, ayon sa DICT, ay bahagi ng inisyatiba ng administrasyong Marcos na maisakatuparan ang digitalisasyon sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Maliban sa mahigit 9,500 na lugar, umabot na rin sa 5,617 na Geographically Isolated and Disadvantaged Areas na dating hindi naaabot ng mga Internet Service Providers ang nabigyan na ng digital access.
Bago matapos ang taong 2023, plano ng DICT na ma-activate ang hanggang 15,000 Broadband ng Masa program at libreng Wi-Fi sa ibat ibang bahagi ng bansa.