Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Bacoor City ng mga tablets para sa Grade 10 students ng mga pampublikong paaralan sa naturang lungsod.
Ito ang pahabol na regalo ni Bacoor City Mayor Lani Revilla sa mga Bacooreñong mag-aaral kasabay ng unang raw ng pasukan ngayong 2021.
Pinangunahan ng alkalde ang pamimigay ng tablets sa ginawa nitong pag-iikoy sa iba’t ibang paaralan sa Bacoor.
Nakatanggap ang mga mag-aaral sa Tabing Dagat ng 1,066 tablets, Salinas (401), Molino Main (1,632), Villa Maria (423), Gawaran (349 tablets), San Nicolas (663) Eastern BNHS (736) tablets, Camella Springville (470), at Georgetown (515).
Umabot ng kabuuang 6,255 ang kabuuang bilang ng mga tablets na ipinamigay sa mga mag-aaral.
Hangad umano ni Mayor Lani na makatulong ang mga ito para sa mga estudyante na kailangang dumalo ng kani-kanilang online classes dahil na rin sa pagpapatupad ng distance learning ng Deparment of Education (DepEd) dulot ng coronavirus pandemic.