Cetacean Cemetery CamSur 2

NAGA CITY – Binuksan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol sa publiko ang Cetacean Cemetery sa Bula, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonie Evolva, tagapagsalita ng BFAR-Bicol, sinabi nitong bilang bahagi ng Todos Los Santos ay nais nilang alalahanin din ang mga namatay na sea creatures na nakalibing sa naturang sementeryo.

Aniya, gaya ng ginagawa sa puntod ng mga taong namayapa na, inalayan din nila ng mga kandila, bulaklak at panalangin ang bawat puntod ng mga isda.

Samantala, plano rin ng BFAR na gawing botanical graden ang sementeryo habang umaasa naman ito na maging tourist destination sa mga susunod na taon.

Taong 2013 nang unang binuksan ang Cetacean Cemetery kung saan may 13 nang puntod ng mga namatay na balyena ang makikita rito.