-- Advertisements --
Idineklara bilang isang National Historical Shrine ang libingan ng Arab missionary na unang nagdala ng relihiyong Islam sa probinsya ng Tawi-Tawi noong 1380.
Ito ay ang libingan ni Shiekh Karimul Makhdum.
Si Sheikh Makhdum ay ang itinuturing na nagpatayo ng kauna-unahang mosque sa buong Pilipinas, matapos niyang ipakilala ang relihiyong Islam sa bansa.
Pinangunahan naman ni National Historical Commission of the Philippines, Chairman Dr. Emmanuel Franco Clairo ang deklarasyon, kasabay ng isang seremonya.
Samantala, ang ipinatayo ni Sheikh Makhdum na mosque ay tinawag na Sheik Karimol Makhdum Mosque at matatagpuan sa Barangay Tubig Indangan, Simunul, Tawi-Tawi,