-- Advertisements --

Binigyan ng deadline ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) sa National Capital Region ng hanggang April 25 para kompletuhin ang pamamahagi ng ayuda sa mga kababayan natin na naapektuhan noong nasa EQC ang Metro Manila.

Ayon kay DILG undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, patuloy ang pamamahagi ng ayuda sa ilan pang mga siyudad sa Metro Manila kahit nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR Plus.

Target ng DILG matapos na ang pamamahagi ng ayuda sa darating na April 25 o bukas.

Gayunpaman, nilinaw ni Malaya na maaari pa rin naman humiling ng extension ang mga LGUs on a case to case basis, lalo na kung ang isang siyudad ay maraming mga beneficiaries.

Kaya hinimok ng DILG ang mga LGUs na damihan pa ang kanilang distribution centers para mas mabilis ang pamamahagi.

Batay sa monitoring ng DILG maayos ang pamamahagi ng ayuda sa NCR at nasa kabuuang P8.4-billion ayuda funds na ang naipamahagi as of August 21 sa 8.4-million beneficiaries sa NCR.

Sa ngayon ang mga siyudad na nakakompleto na sa ayuda distribution ay ang Caloocan City na nakapamahagi ng P1.3-billion sa 1.3 million beneficiaries nito.

Sumunod ang Pateros at 96.87%, Manila at 82.71%, Mandaluyong at 82.52%, at Paranaque at 77.89%.

Paalala din ni Malaya sa mga beneficiaries na maging disiplinado sa pagkuha at paggamit ng ayuda huwag ito gamitin sa pang online sabong at swimming.

Gamitin ang pera sa mga essential na pangangailangan ng bawat pamilya.