LAOAG CITY – Temporaryong magsasara ang mga lahat ng opisina sa Ilocos Norte dahil sa malakas na lindol, para sa pagsasagawa ng safety inspections.
Sa abiso ng Office of the Provincial Administrator, work-from-home muna ang set up ng mga empleyado ngayong araw.
Una rito, naglabasan ang mga tao at empleyado sa mga lahat ng opisina at establisyemento at nagresulta rin ito ng pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng lungsod ng Laoag.
Hindi rin nakaligtas ang 45 metrong kalaki at may tandang 410 taon na bell tower sa lungsod ng Laoag kung saan nahulog ang ilang mga bricks nito.
Ayon sa mga tricycle driver, nakaparada malapit sa bell tower nang nakita nilang parang sumasayaw ang bell tower ay agad nagtakbuhan ang mga ito.
Sa ngayon, sinabi ng Cheif Manitenance ng DPWH 1st Enginerering District na si Engr. Robert Rabago at 2nd Engineering District Engr. Matthias Malenab, patuloy ang kanilang inspeksyon at assessment, ngunit wala pa umanong reported major damages.