-- Advertisements --

Ipinagutos na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año sa lahat ng local government units na magpaabot din ng tulong at yakapin ang pagbalik ng mga uuwing Pinoy workers na galing Midddle East na na-displaced dahil sa tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

“I am directing all the LGUs, local chief executives to provide assistance and accommodate our returning OFWs,” ayon sa kalihim.

Sinabi ni Año nagpapatuloy pa rin naman ang planning dahil tinitingnan pa ng gobyerno kung direkta na bang iuuwi ng bansa ang mga OFW o dadalhin muna sa mas ligtas na lugar sa labas ng Pilipinas dahil sa posibilidad na magkaroon ang mga ito ng bagong trabaho.

Posible raw kasi kumalat ito lalo na’t nagbanta ang Iran.

Sa ngayon may ginagawa ng consultation sa kung sinu-sinong mga Pinoy ang nais umuwi ng Pilipinas.

Tinatayang nasa 4,000 Filipino ang nasa Iraq base sa datos ng DFA.