Jocel Ninobla
Jocel Ninobla/ FB image

NAGA CITY- May nakahandang surpresa ang lokal na pamahalaan ng San Jose, Camarines Sur sa homecoming ng Taekwondo gold medalist na si Jocel Ninobla.

Si Ninobla ang isa sa mga Pinoy athlete na nakasungkit ng gintong medalya sa Womens Poomsae Individual Taekwondo sa katatapos pa lamang na Seagames 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Edgar Pesimo, Municipal Administrator ng San Jose, sinabi nitong masaya sila sa naging tagumpay ni Ninobla at sa dala nitong karangalan hindi lamang sa kanilang bayan ngunit maging sa buong bansa.

Ayon kay Pesimo, may hinahanda aniya silang surpresa para sa atleta ngunit wala pang pinal na petsa dahil hindi pa aniya tiyak kung kailan makakauwi si Ninobla.

Nabatid na isang taekwondo instructor ang ama ni Ninobla habang nagtatrabaho mismo sa LGU ang tiyuhin nito na naging daan para masubaybayan aniya nila ang laban nito.