Inamin ni Capaz, Tarlac Mayor Reynaldo Catacutan na hindi pa rin ganap na naalis ang pag-aalala ng kanilang mga kababayan, dahil sa inaasahang pagdating ng halos 500 Pinoy crew ng Diamond Princess cruise ship mula sa Japan.

Ayon kay Catacutan, bagama’t nasagot naman ng Department of Health (DoH) ang kanilang mga tanong ukol sa ipapatupad na pag-iingat sa New Clark City, ngunit may pangamba pa rin aniya ang ilan sa magiging stigma.

-- Advertisement --

Baka raw kasi ang higit na maalala ay ang pagiging quarantine site ng NCC, sa halip na ang pagiging athletes village nito.

Nitong Sabado ay nagpulong ang DoH Region 3, kasama ang lokal na pamahalaan ng Capas at ilan pang ahensya para planuhin ang pagdating ng 497 crew ng cruise ship.

Sinabi ng alkalde na tatanggapin ng Capas ang repatriates pero sana ay ito na ang huling batch na iku-quarantine doon.