-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patuloy ang pagsasaayos ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa pangunguna ni Mayor Herlo Guzman Jr sa mga daluyan ng tubig o canal sa Bayan.

Ayon sa alkalde, itoy bilang paghahanda sa posibling baha dahil sa nararanasang pag-ulan sa bansa.

Sa ngayon, inaayos ang canal sa Roxas Street, Maria Clara Extension, Sunrise Street at sa public market area.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang alkalde sa abalang dulot ng pagsasaayos.

Samantala, siniguro naman ng alkalde na bibigyang pansin din nito ang iba pang canal sa Brgy. Poblacion at iba pang barangay ng bayan.

-- Advertisement --

Matatandaan na nakararanas ng pagbaha ang bayan ng Kabacan noong nakalipas na taon sa pagpasok ng tag-ulan sa bansa.