Drill
-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO -Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato sa isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill.

Ayon kay MDRRMO David Don Saure, kailangang muling malaman ng bawat ka-unlad ang pupwedeng mangyari at dapat ay handa ang mga ito.

Ilan sa kanilang isinagawa ay kung ano ang unang unang gagawin tulad ng duck cover and hold.

Nagkaroon din sila ng isang operasyon kung anong mga first aid ang dapat ilapat.

Nagpasalamat din si Saure sa suporta ng mga nakiisa at sa liderato ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr.

-- Advertisement --

Payo ng alkalde sa mga ka-unlad, huwag agad mag panic upang maging mas maayos ang pagresponde at pag-iisip ng publiko.

Isinagawa ang aktibidad sa Incident Post ng LGU sa National Highway.