Hinimok ng Department of Education (DepEd) ang mga local government units (LGUs) na iwasan ang hindi kinakailangang suspensiyon ng mga klase upang ma-maximize ang learning recovery.
Sinabi ng DepEd na dapat suspendihin lamang ang mga klase sa panahon ng pampublikong emerhensiya, severe weather disturbance at kalamidad.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa na layon ng Department of Education na hindi lamang ibalik ang mga mag-aaral sa paaralan, kundi pati na rin ang mga hakbang upang mapakinabangan ang learning recovery.
Ang pagpapawalang-bisa sa hindi kinakailangang pagkansela ng mga klase at ang paggamit ng mga paaralan bilang billeting area para sa mga kaganapang walang kaugnayan sa kurikulum, ay nagbibigay-daan sa mga uninterrupted class sessions para sa mga mag-aaral at tumutulong sa mga guro na maiwasan ang mga hindi kinakailangang make-up classes.
Ang mga make-up classes, ani DepEd, ay nagdudulot ng karagdagang pasanin sa kanilang teaching load.