CENTRAL MINDANAO-Nagsagawa ng post disaster needs assessment ang LGU-Kidapawan City katuwang Office of the Civil Defense (OCD-12) sa mga lugar na grabeng tinamaan nang lindol.
Layunin nito na matukoy ang epekto ng magkasunod na malalakas na lindol na tumama sa probinsya ng Cotabato.
Agad bibigyan ng tulong ang mga pamilya at ang kanilang komunidad na grabeng sinalanta ng kalamidad.
Ang hakbang ng LGU-Kidapawan City sa pagsasagawa ng post disaster needs assessment ay para maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga apektadong pamilya at makumpuni ang mga nasirang istraktura.
Katuwang ng City Government at OCD 12 ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pagsasagawa ng PDNA.
Tiniyak ng OCD-12 ang kahalagahan ng PDNA alinsunod sa mga probisyon ng Republic Act 10-121 o DRRM Law.
Ang mga Barangay sa siyudad ng Kidapawan na grabeng naapektuhan ng lindol na sininailalim sa post disaster needs assessment ang Barangay Ilomavis, Balabag, Perez at Brgy Poblacion.
Ang apat na Barangay sa Kidapawan City ay isasali sa PDNA report na isusumite sa tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Prayoridad ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista na matulungang makabangon ang mga biktima ng lindol lalo na sa kanilang relocation sites na magsisilbing bago nilang tahanan.