-- Advertisements --

DAVAO CITY- Nire-respeto umano ng karamihan sa mga miyembro ng LGBTQ-Davao ang ginawang pagbasura ng Korte Suprema sa isyu hinggil sa same sex marriage sa bansang Pilipinas na inihain ni Atty. Jesus Nicardo Falcis III.

Ito mismo ang kinumperma ng Focal person ng LGBTQ-Davao at Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) commissioner Norman Baloro sa panayam ng Bombo Radyo Davao.

Ayon kay Baloro inihatid pa umano nila ito kahit pa na ikinalungkot nila ang nagawang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa isyung same sex marriage.

Gayunman, pinuri pa rin ng grupo ang Korte dahil sa pagkilala nito sa pakiki-paglaban ng LGBT kasabay ng pag-gabay upang mapaabot ang nasabing policy issue sa Korte Suprema.

Sinabi rin ni Baloro na kahit nabigo sila sa korte ngayon, hindi dapat nila mabibigo ang bawat isa.

Isiniwalat rin Baloro na sa usaping same-sex marriage, ina-anticipate o inaasahan na umano ng mga miyembro ng LGBT na hindi talaga ito maipasa ng Korte Suprema.