-- Advertisements --
liptospirosis

Ibinabala ng Department of Health(DOH) ang posibleng outbreak ng leptospirosis dahil sa mga nakalipas na pagbaha sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay DOH-pidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, inaasahan ng kagawaran ang lalo pang pagtaas ng bilang ng mga leptospirosis patients, mula sa mga lugar na binaha, lalo at lumalabas lamang ang mataas na kaso, makalipas ang ilang linggo.

Ikinalungkot ng opiisyal ang patuloy na pagtaas ng kaso ng naturang sakit, lalo aniya, at mataas din ang mortality sa mga nakakapitan nito.

Sa kasalukuyan, batay sa datus ng ahensiya, mayroon nang kabuuang 3,728 na kaso ng leptospirosis sa buong bansa mula Enero hanggang sa unang linggo ng Setyembre, 2023.

Pinakamarami pa rin dito ay ang National Capital Region na nakapagtala ng hanggang 872.

Sumunod naman dito ang Western Visayas na mayroong 408, Cagayan Valley na may 355 at ang Central Luzon na may 307.

Ayon kay Dr. De Guzman, ang naitalang mga kaso ay mahigit 70% na mas mataas kumpara sa mga kasong naitala noong nakalipas na taon.