-- Advertisements --

Tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Leon.

Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro nito sa layong 365 km sa hilaga hilagang silangan ng Kalayaan, Palawan.

May taglay itong lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Samantala, habagat naman ang nagdadala ng ulan sa Palawan, Visayas at Mindanao.