-- Advertisements --
Kinansela ng legendary guitarist Carlos Santana ang mga serye ng kaniyang mga shows sa Las Vegas.
Ito ay dahil sa kasalukuyang nagpapagaling matapos na operahan sa puso.
Sinabi nito na mahalaga ang magpagaling at kapag malakas na ito ay handa siyang mag-perform ng 150 percents.
Umaasa ito na makakabalik na ito sa mga tugtugan pagdating ng 2022.
Noong Nobyembre 27 kasi ay nakaranas ito ng paninikip sa dibdib kaya dinala ito sa pagamutan.
Pinasalamatan din nito ang kaniyang mga fans dahil sa pagdarasal para siya ay agad na gumaling na.