Abba
-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas ng bagong kanta ang legendary pop group na Abba matapos ang 39 taon.

Sa kanilang social media inanunsiyo nila ang paglabas ng Swedish band ang kanliang bagong website na “Abba Voyage”.

Inaasahan naman ng mga fans na ito ay magiging isang uri ng “hologram tour” na unang inanunsiyo ng grupo noon pang 2016.

Posibleng isasabay din ng grupo ang paglabas ng limang bagong kanta.

Nauna ng nagsama ang quartet na sina Agnetha Faltskog, Anna-Frid Lyngstad, Bjorn Ulvaeus at Benny Andersson noong 2018 at nangako na maglalabas sila ng mga bagong kanta.

-- Advertisement --

Binuo ang grupo noong 1972 mula sa Sweden kung saan ilan sa mga pinasikat na kanta ay “Mama Mia”, “Dancing Queen” at maraming iba pa.