Inanunsiyo ng legendary band na Scorpions ang kanilang nakatakdang concert sa bansa.

Sa inilabas na social media post ng promoter na Insignia, gaganapin ito sa Marso 7 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magsisimula ang pagbebenta nila ng tickets sa darating na Enero 31.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng grupo ay “Still Loving You”, ” Always Somewhere”, “Rock You Like A Hurricane” at maraming iba pa.