Reading Time: 1 minute
IMG 20190731 140521

Aminado si Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin na hindi pa nagkaroon ng review ang law curriculum dito sa Pilipinas sa loob ng 60 taon.

Sa kanyang talumpati sa 2019 Legal Education Summit na ginanap sa Manila Hotel sinabi nitong maging ang basic law subjects ay hindi rin napalitan sa nagdaang anim na dekada.

Aniya sa pagbisita ng kanyang delegasyon sa Harvard, Suffolk at Georgetown universities sa Estados Unidos, nakumbinsi itong ang legal education sa Pilipinas ay posible umanong “inadequate” na.

Dahil dito, naniniwala ang chief justice na kailangan na raw ng legal education ng bansa ng shift mula sa  knowledge-based/socratic sa experiential approach.

Samantal, ayon kay Bersamin noong Hunyo 25, 2019 ay inaprubahan na ng Korte Suprema ang revision ng student law practice.

Ang bagong rule daw ay pinapayagan na ang mga second year law students ng limited practice.

Nabibigyan na raw ng tiyansa ang mga law schools na magkaroon ng graduate practice-ready students at makapag-provide ng quality education sa mga Pinoy.