-- Advertisements --
Agaw pansin ang Farmed Crocodile Lechon sa Crocodile Park sa Davao na inihahanda bilang pagkain ng mga dadalo sa “Pray for the Philippines” rally sa Davao.
Ayon sa ulat, kabilang ito sa mga inihahandang pagkain para sa prayer rally upang mapagsaluhan.
Maliban sa lechon, mayroon din namang cake na buwaya ang disenyo.
Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte na ang mga ito ay bahagi ng mga ihahain sa nasabing pagtitipon, na gaganapin sa Rizal Park.
Tampok din sa okasyon ang isang daang lechon baka bilang “alay sa kalangitan” para sa paglilinis ng espiritu ng bansa at panalangin umano para sa kapayapaan at kasaganaan.