Kinasuhan sina NBA superstar LeBron James at sikat na rapper na si Drake ng aabot sa $10 million dahil daw sa pag-produce sa isang documentary film na kinuha ang kwento ng wala umanong paalam.
May kinalaman ang isyu sa production ng documentary na may titulo na “Black Ice” na magkakaroon ng premiere sa Toronto International Film Festival (TIFF) ngayong linggo.
Ang naghain ng kaso laban kina LeBron at Drake ay si Billy Hunter, ang dating namumuno sa NBA players’ union.
Ayon kay Hunter, siya raw ang mga karapatan o first rights sa pag-produce ng pelikula may kaugnayan sa Colored Hockey League.
Ang pelikula ay ukol naman sa libro na sinulat ng magkapatid na George at Darril Fosty na may pamagat na Black Ice: The Lost History of the Colored Hockey League of the Maritimes 1895-1925.
Pero bwelta ni Hunter nagbayad daw siya ng $265,000 sa mga Fosty brothers upang gawin itong pelikula.
Paliwanag naman ng mga author may hiwalay daw silang kontrata na pinasukan kina James at Drake.
Hindi naman ito nagustuhan ng kampo ni Hunter dahil ang documentary daw nina LeBron ay maituturing pa ring “motion picture” maging ito man ay “audiovisual adaptation” ay maituturing pa ring paglabag daw sa kontrata nila at ginawa in “bad faith.”
Bagay na mariin namang kinontra ni Darril Fosty.