BOMBO DAGUPAN- Hindi pa magpapakawala ng tubig ang San Roque dam sa kabila ng tuloy tuloy na pag ulan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Tom Valdez, Vice President for Corporate Social Responsibility ng San Roque Power Corporation, sa kasalukuyan ay umabot pa lamang sa 254.58 meters above sea level ang lebel ng tubig ng San Roque dam kung saan ay malayo pa sa spilling level nito.
Dahil dito ay nananatiling walang nakabukas na gate sa nasabing dam.
Kaugnay nito, sinabi niyang kung magbubukas man ng dam ay ipapaalam kaagad ito sa Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office, at sa mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office upang mapaghandaan ng mga bayan na maaapektuhan lalo na sa limang bayang madaraanan ng tubig gaya ng Sta. Maria, Asingan, Rosales, Alcala at Bayambang.