-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Patuloy pa rin ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Sinucalan River sa bayan ng Calasiao.

Ayon kay Kristine Joy Soriano, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer 1, Calasiao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa blue alert status na ang kanilang bayan.

Tinatayang umabot na sa 8.9ft above normal level ang lebel ng tubig, lagpas sa critical level nito.

Kung kaya’t umabot na sa 8 barangay ang naitatalang naapektuhan ng pagtaas ng lebel ng tubig, na kinabibilangan ng; barangay Mancup, Longos, Nalsian, Lasip, Buenlag, Songcoy, Lumbang, at Talibaew partikular na sa low lying areas at mga malalapit sa ilog.

Samantala, hindi naman apketado ang national road, ngunit pinapayuhan aniya ang mga light vehicles na huwag ng dumaan sa barangay Mancup at Talibaew dahil sa tuloy-tuloy pa rin ang pagtaas ng lebel ng tubig.

Kaugnay nito, wala pa namang naitalang nasa evacuation centers, ngunit pinapayuhan ni Soriano na magreport lamang sa kanilang tanggapan kapag kinakailangan ng mag-evacuate nang sa gayon ay mabigyan ang mga ito ng agarang aksyon.

Dagdag pa niya, nakikipagtulungan na rin ang mga otoridad sa tanggapan ng mga barangay at municipal officials.

Paalala naman nito sa mga residente na manatiling nakaantabay sa lagay ng panahon at huwag pakampante dahil aniya, tuloy-tuloy ang nararanasang pag ulan kung kaya’t inaasahang tatas pa ang lebel ng tubig.