Reading Time: 1 minute
ANGAT DAM BULACAN
Angat Dam in Norzagaray, Bulacan

Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw.

Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay nasa 158.69 meters na lamang.

Ayon sa Pagasa, mas mababa ito kumpara sa 158.75 meters na naitala sa kaparehas na oras kahapon, Hulyo 15.

Samantala, bahagyang bumaba rin ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam nitong araw.

Hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga, ang water level sa naturang dam ay 72.55 meters, bahagyang mas mababa kumpara sa 72.56 meters na naitala sa kaparehas na oras kahapon.

Karamihan sa tubig na ginagamit sa Metro Manila ay kinukuha mula sa Angat at La Mesa dams.