-- Advertisements --
Nagkausap sa telepono ang mga Lebanese Prime Minister Najib Mikati at Qatari Prime Minister at Foreign Affairs Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman bin Jassim Al Thani at tinalakay ang kalagayan sa Lebanon at ang sakop nilang teritoryo ng Palestine.
Sa nasabing pag-uusap ay iginiit ni Mikati na kailangan ng gumalaw na agad ang international community para matigil na ang paglabag ng Israel sa international law.
Ikinabahala nito ang pagdamay ng Lebanon sa regional war ilang araw matapos na mapatay ng Israel ang Hamas leader sa Beirut.
Nagbabala rin ito ang paglawak ng labanan ng Israel at Hamas na magreresulta na matinding kapahamakan sa Lebanon at kalapit na bansa.










