-- Advertisements --

Nakahanda na ang Taguig LGU, para sa Brigada Eskwela 2023 at pagbubukas rin ng 14 na public schools ng “EMBO” na inilupat mula sa Department of Education-Division ng Makati City patungo sa Division of Taguig-Pateros sa desisyon ng Korte Suprema na pabor sa Taguig sa naganap na alitan sa teritoryo ng dalawang lungsod.

Una rito, nagpulong na ang mga opisyal ng Taguig City, Dep-Ed Division ng Taguig-Pateros Superintendent, at mga punong-guro ng mga paaralan ng EMBO upang planuhin ang mga pagsisikap para sa tuluy-tuloy na maayos na edukasyon.

Narito ang labing- apat na pampublikong paaralan sa EMBO area, katulad –

  • Makati Science High School
  • Paaralang Elementarya ng Comembo
  • Rizal Elementary School
  • Paaralang Elementarya ng Pembo
  • Mataas na Paaralang Benigno “Ninoy” S. Aquino
  • Tibagan High School
  • Paaralang Elementarya ng Fort Bonifacio
  • Fort Bonifacio High School
  • Pitogo Elementary School
  • Pitogo High School
  • Paaralang Elementarya ng Cembo
  • East Rembo Elementary School
  • West Rembo Elementary School; at
  • Paaralang Elementarya ng South Cembo

Samantala, nakipag-ugnayan na sa kani-kanilang LGU counterparts para sa maayos na transisyon at turn-over ng pamamahala at pangangasiwa ng mga natukoy na paaralan at Personel.

Matatandaan noong Hunyo kasalukuyang taon ng tanggihan ng Korte Suprema ang omnibus motion ng Makati City government na humihiling sa SC na payagan itong maghain ng pangalawang mosyon para sa muling pagsasaalang-alang sa hindi pagkakaunawaan sa teritoryo nito sa Taguig City.