(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Nakakapanghina umano nang moral sa mga pulis ang paulit-ulit na insidente ng panghoholdap sa mga branch ng LBC sa Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos maholdap na naman ang isang branch ng naturang kumpanya kahapon ang hapon sa Barangay Bulua sa lunsod.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) spokesperson Police Lt. Col Mardy Hortillosa, nagdududa na sila na posibleng “kumikita” ang kompiyansa sa tuwing nabibiktima sila ng holdaper kung kaya’t nagmamatigas parin itong hindi maglagay ng kanilang security guards.

Ayon kay Hortillosa, maraming cargo at money remittances center sa lungsod na humahawak ng malaking halaga pero hindi naman ito nabiktima ng mga holdaper dahil sa paglalagay ng kanilang gwardya.

Napag- alamang naging suki na sa kanilang masasamang gawain ng mga holdaper ang naturang LBC branch sa lungsod.