-- Advertisements --
Tinalo ng Latvia ang Italy 87-82 para makakuha ng tsansa sa ikalimang puwesto ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Mall of Asia Arena.
Bumandera sa panalo ng Latvia si Andrejs Grazulis na nagtala ng 28 points, anim na rebounds.
Mayroon namang 12 points ang nagawa ni Aigars Skele habang si Arturs Zagars ay mayroong 10 points at anim na assists para sa Latvia,
Itinuturing ng koponan na isa itong pagbangon kasunod ng kanilang pagkatalo sa Germany sa quarterfinals.
Susunod na makakaharap nila ang mananalo sa pagitan ng Slovenia at Lithuania para magkaroon ng puwesto sa ikalimang puwesto.