ILOILO CITY – Patay ang isang lalaki matapos hindi nagawang makalabas sa nasusunog na bahay sa Barangay Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City.

Ang biktima ay kinilalang si Chris Vincent Mauricio, 43-anyos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Fire Chief Inspector Christopher Regencia, city fire marshall, sinabi nito na lumabas sa kanilang imbestigasyon na lasing ang biktima kung kaya hindi ito nakalabas sa umaapoy na bahay.

Ayon kay Regencia, iligal ang koneksyon ng kuryente sa bahay ng biktima na siyang dahilan ng sunog.

Maliban sa bahay ni Mauricio, nasunog sin ang 11 pang mga bahay sa nasabing lugar na yari lang sa mga light materials.