Maaaring kumaharap sa kasong alarm and scandal at direct assault upon person of authority ang isang lalaki matapos nitong manggulo sa isinasagawang “Senakulo” sa Pinamalayan, Oriental Mindoro kahapon.

Kinilala ang biktima na si Ireneo Garcia, 39-anyos. Halata umanong lango ito sa alak at di-umano’y inatake pa ang isang pulis sa lugar.

-- Advertisement --

Ayon sa police report na natanggap ni Police Lieutenant Colonel Socrates Faltado, hepe ng Regional Public Information ng PNP-MIMAROPA, kaagad na rumesponde ang mga otoridad ng Pinamalayan Municipal Police Station nang matanggap nila ang report patungkol dito.

Kaagad inaresto ng mga otoridad ang suspek at dinala sa Pinamalayan Municipal Police Station.

Habang isinasagawa ang interogasyon, bigla na lamang sinampal at pinagmumura ng suspek si Police Corporal Amado Allain Macandili II.