-- Advertisements --

Binati ni Las Pinas Representative Camille Villar ang mga bagong halal na Barangay at Sangguniang Kabataan officials sa katatapos na halalan.

Ayon kay Villar, ngayong natapos na ang halalan, panahon na para maglingkod ng maayos ang mga nanalo sa Barangay at SK Elections (BSKE) noong nakaraang Lunes.

Binigyang-diin ni Villar na dapat magsikap at iseryoso ang trabaho at tuparin ang kanilang mga pangako sa kampanya.

Aniya, malaki ang epekto ng mga barangay officials sa kanilang mga komunidad at sa buhay ng kanilang mga nasasakupan.

Giit pa ng deputy speaker na oras na para ipakita ng mga bagong barangay officials at kabataang lider ang kanilang kakayanang magsilbi sa taumbayan.

Panawagan ng Kongresista na manatiling tapat sa kanilang mga tungkulin at huwag sanang kainin ng sistemang corrupt at makasarili.

Hangad ni Villar sa mga bagong barangay at mga lider ng kabataan na maging maligaya at umaasa ito na manatiling masigasig at determinado tungkol sa mga hamon sa hinaharap.