-- Advertisements --
Na-ospital ng ilang araw ang actress na si Lara Quigaman dahil sa acute kidney infection.
Sa kaniyang Instagram, ay ibinahagi nito ang kaniyang naging karanasan noong nakaraang mga araw.
Katatapos lamang aniya nilang magbakasyon sa Cebu matapos ipagdiwang ang wedding anibersaryo ng asawang si Marco Alcaraz ng makaramdam ito ng hindi maganda.
Nilagnat aniya ito at nag-chills at matapos ang dalawang araw ay itinakbo ito sa pagamutan.
Pinag-isolate siya at hinintay ang resulta ng COVID-19 test.
Nanatili ito sa pagamutan ng tatlong araw hanggang sa bumuti na ang pakiramdam.
Isang uri aniya ng Acute pyeloephritis ang kaniyang sakit na agad namang binigyan ito ng doktor ng mga gamot.